PCS ORG.

PCS ORG.

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from PCS ORG., Health/Beauty, Blk. 27 Lot 3 Santan Street Pembo, Makati.

PGH Cancer Survivors Organization is a patient-led, non-profit group of survivors, patients, caregivers, and advocates from the PGH community, providing support, education, advocacy, and programs promoting prevention, early detection, and survivorship.

Photos from PCS ORG.'s post 23/08/2026

💜💜💜Care to Care💜💜💜
💜💜For the Ones Who Care 💜💜

Masaya at nagpapasalamat ang Buong Pamunuan ng PGH’s Cancer Survivors 💜rganization at RMC Fighters na naging bahagi ng Care to Care: For the Ones Who Care.

Maraming salamat sa MU Sigma Phi Sorority of UP sa pagbibigay sa amin ng tamang kaalaman tungkol sa pag-aalaga sa ating mga matatanda, bedridden patients at sa mga taong nangangailangan ng dagdag na pag-aalaga sa kanilang tahanan.

Napakarami naming natutunan, hindi lang sa mga lecture kundi pati sa actual demonstration—tamang pag-aalaga, pagpapakain, pagpapalit ng bedding, pagligo ng bedridden, paglipat mula k**a papunta sa upuan, pag-aalaga sa urine at stool drainage, oxygen care at iba pang practical na bagay na malaking tulong sa isang caregiver.

Salamat din sa Ruth Foundation na naging malaking kaagapay sa programang ito. Kitang-kita namin kung gaano kasaya at ka-interesado ang mga attendees habang natututo. 💜💜💜

Sana ay patuloy ninyong maisulong ang ganitong magandang programa para sa mga “ones who care.” Malaking bagay ang pagbibigay ng tamang kaalaman sa mga taong araw-araw na nag-aalaga at nagsasakripisyo para sa kanilang mahal sa buhay.

Maraming salamat, MU Sigma Phi Sorority of UP and Ruth Foundation!
From all of us at PGH’s Cancer Survivors 💜rganization and RMC Fighters, maraming salamat po sa isang napaka-makabuluhang araw. 💜💜💜

Care to Care — For the Ones Who Care.

11/08/2026

🙏🙏🙏☝☝☝Taos-pusong pagbati, Dr. Edwin Mercado at Dr. Beverly Ho! 🙏🙏🙏☝☝☝

Mula sa PGH’s Cancer Survivors 💜rganization, buong puso po naming binabati kayo sa inyong bagong tungkulin bilang DOH Secretary at PhilHealth President and CEO.

Malaki po ang aming pag-asa sa inyong pagsasama. Naniniwala kami na ang inyong magandang tandem, malasakit, at pamumuno ay magiging daan tungo sa isang mas maayos, mas makatao, at mas makatarungang sistema ng kalusugan.

Bilang mga cancer survivors at pasyente, alam namin kung gaano kahalaga ang magkaroon ng health system na nakikinig, umaalalay, at hindi nang-iiwan.

Nawa'y sa inyong pamumuno, mas marami pang Pilipino ang mabigyan ng pag-asa, kalinga, at serbisyong tunay na nararapat sa kanila.

Good luck po sa inyong bagong journey. Nawa'y maging isang magandang simula ang inyong pagtutulungan para sa isang mas malusog na Pilipinas. 🇵🇭💜

Sama-sama para sa isang healthcare system na may puso—WALANG MAIIWAN. 💜💜💜

Photos from PCS ORG.'s post 26/07/2026

Ang tunay na panalo ay hindi lamang nasusukat sa puntos, kundi sa pusong handang maglingkod at magmalasakit.

Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa buong Philippine Health Insurance Corporation Lalo na sa PhilHealth Volleyball Team sa inyong ipinakitang dedikasyon, sportsmanship, at malasakit sa inyong mga laban noong July 12 at muli noong sumunod na Linggo laban sa BFP. Bagama't hindi man napunta sa inyo ang panalo sa scoreboard, para sa amin na inyong mga beneficiary, kayo ang tunay na kampeon.

Higit pa sa inyong paglalaro, lubos naming pinahahalagahan ang inyong pagmamalasakit sa aming mga cancer patients. Maraming salamat po sa inyong tulong para sa mga pangangailangan ni Mammu—mga diapers, alcohol, wipes, Malaking Gatas at iba pang mahahalagang gamit na nagbigay ng malaking ginhawa at pag-asa sa kanyang kasalukuyang kalagayan.

Lubos din po ang aming pasasalamat kay Mam Karen Tecson sa pangunguna ng inisyatibong ito, gayundin kina Dr. Edwin Mercado Mercado , Sir Delio Aseron II io Aseron II , at sa buong PhilHealth family sa inyong patuloy na suporta at malasakit.

Nagpapasalamat din po kami sa Philippine Alliance of Patients' Organisations (PAPO) sa patuloy na pagiging katuwang sa pagtataguyod ng kapakanan ng mga pasyente at sa pagbibigay ng mga pagkakataong makapaghatid ng tulong at pag-asa sa mga nangangailangan.

Mula sa puso ng PGH's Cancer Survivors Organization, maraming maraming salamat po sa inyong lahat. Ang inyong kabutihan ay hindi lamang nagbibigay ng tulong—ito rin ay nagbibigay ng lakas ng loob, pag-asa, at inspirasyon sa bawat cancer patient, survivor, at kanilang pamilya.

Hindi man kayo ang kampeon sa laro, ngunit kayo ang tunay na kampeon sa aming mga puso. 💜💜💜🙏

Photos from Department of Social Welfare and Development - DSWD's post 26/06/2026

Please your nearest location

26/06/2026

DSWD PRESS RELEASE: 262 Mercury Drug branches nationwide now accepting DSWD’s guarantee letters starting June 22

Starting Monday (June 22), beneficiaries of the Department of Social Welfare and Development's (DSWD) Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program may once again use their Guarantee Letters (GLs) at 262 participating Mercury Drug branches across the country, making it easier to access medicines and other essential medical supplies.

Prior to this renewed partnership, the Department had also forged a similar arrangement with Generika Drugstore, further expanding the network with partner pharmacies where AICS beneficiaries may use their GLs. (CC)

See comment section for full story.

❤️

11/06/2026

I got over 10 reactions on one of my posts last week! Thanks everyone for your support! 🎉

25/04/2026
Want your business to be the top-listed Beauty Salon in Makati?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Website

Address


Blk. 27 Lot 3 Santan Street Pembo
Makati
1218

Opening Hours

Saturday 9am - 5pm
Sunday 9am - 5pm